Nabasa ko 'yung Sa Pelikulang Pinoy ni Lourd de Veyra, kaya naisip kong gumawa ng listahan na tungkol naman sa Pinoy Television.
Ilang eksenang hinding-hindi puwedeng mawala sa Pinoy television. The first of many, many parts.
- Sa telebisyong Pinoy, 'pag inubo ang isang karakter, may sakit na 'yan na malubha.
- Sa telebisyong Pinoy, 'pag may na-coconfine, ang swero naksaksak sa ilong.
- Sa telebisyong Pinoy, ang na-coconfine, laging naka full make up.
- Sa telebisyong Pinoy, laging may kidnap na eksena. Kadalasan nasa 3/4 na ng kwento nangyayari ito. At madalas, babae ang biktima.
- Sa telebisyong Pinoy, 'pag may magkapatid na probinsyanong napunta sa Maynila, ganito lagi ang sinasabi: "Kuya, ito na ba ang Maynila? Ang ganda, ang daming mga ilaw at ang tataas ng mga gusali!"
- Sa telebisyong Pinoy, walang bumabahing.
- Sa telebisyong Pinoy, laging may ampon, o di kaya kambal na di magkasundo.
- Sa telebisyong Pinoy, dahil daily ang release ng kada episode, laging unang linggo lang maganda ang CGI ng mga TV Series na Sci Fi o Fantasy, tapos nagiging sub-par na ang effects makalipas ang ilang linggo.
- Sa telebisyong Pinoy, alam mong wala nang budget ang Fantasy tv series 'pag modern day na ang setting. example: Encantadia 2016.
- Sa telebisyong Pinoy, lahat na lang may romance.
- Sa telebisyong Pinoy, the higher the eyebrow, the more kontrabida. (Looking at you, Maricar de Mesa)
- Sa telebisyong Pinoy, malakas ang Balagtasan cringe.
- Sa telebisyong Pinoy, laging may nag kaka-amnesia.
- Sa telebisyong Pinoy, laging sinasabi ng supervillains ang intensyon nila sa superhero.
- Sa telebisyong Pinoy, walang backstory ang mga sidekick at wingman.
- Sa telebisyong Pinoy, alam mo na kung sinong love team ang magkakatuluyan base sa poster/thumbnail pa lamang.
- Sa modernong telebisyong Pinoy, palaging ang title ay mga title ng kanta, title ng dating successful TV show, o title ng imported TV series.
- Sa telebisyong Pinoy, walang middle class.
Last edited: May 1, 2020