Friday, March 27, 2015

Sa Telebisyong Pinoy


Nabasa ko 'yung Sa Pelikulang Pinoy ni Lourd de Veyra, kaya naisip kong gumawa ng listahan na tungkol naman sa Pinoy Television.

Ilang eksenang hinding-hindi puwedeng mawala sa Pinoy television. The first of many, many parts.



  • Sa telebisyong Pinoy, 'pag inubo ang isang karakter, may sakit na 'yan na malubha.
  • Sa telebisyong Pinoy, 'pag may na-coconfine, ang swero naksaksak sa ilong.
  • Sa telebisyong Pinoy, ang na-coconfine, laging naka full make up.
  • Sa telebisyong Pinoy, laging may kidnap na eksena. Kadalasan nasa 3/4 na ng kwento nangyayari ito. At madalas, babae ang biktima.
  • Sa telebisyong Pinoy, 'pag may magkapatid na probinsyanong napunta sa Maynila, ganito lagi ang sinasabi: "Kuya, ito na ba ang Maynila? Ang ganda, ang daming mga ilaw at ang tataas ng mga gusali!"
  • Sa telebisyong Pinoy, walang bumabahing.
  • Sa telebisyong Pinoy, laging may ampon, o di kaya kambal na di magkasundo.
  • Sa telebisyong Pinoy, dahil daily ang release ng kada episode, laging unang linggo lang maganda ang CGI ng mga TV Series na Sci Fi o Fantasy, tapos nagiging sub-par na ang effects makalipas ang ilang linggo.
  • Sa telebisyong Pinoy, alam mong wala nang budget ang Fantasy tv series 'pag modern day na ang setting. example: Encantadia 2016.
  • Sa telebisyong Pinoy, lahat na lang may romance.
  • Sa telebisyong Pinoy, the higher the eyebrow, the more kontrabida. (Looking at you, Maricar de Mesa)
  • Sa telebisyong Pinoy, malakas ang Balagtasan cringe.
  • Sa telebisyong Pinoy, laging may nag kaka-amnesia.
  • Sa telebisyong Pinoy, laging sinasabi ng supervillains ang intensyon nila sa superhero.
  • Sa telebisyong Pinoy, walang backstory ang mga sidekick at wingman.
  • Sa telebisyong Pinoy, alam mo na kung sinong love team ang magkakatuluyan base sa poster/thumbnail pa lamang.
  • Sa modernong telebisyong Pinoy, palaging ang title ay mga title ng kanta, title ng dating successful TV show, o title ng imported TV series.
  • Sa telebisyong Pinoy, walang middle class.



Last edited: May 1, 2020














No comments:

Post a Comment